ANG UPOS AT KABULUKAN, AYON SA ISANG PAHAM
paano ba tumira sa dagat ng upos?
tiyak ang pamumuhay mo'y kalunos-lunos
papatianod na lang ba tayo sa agos?
at mabubuhay sa mundong parang busabos?
pangatlo ang upos sa basura sa dagat
at sa upos, isda't balyena'y nabubundat
bakit basurang upos ay ikinakalat?
ng mga walang awang kung saan nagbuhat
minsan, dagat ng basura'y ating lingunin
kaya ba nating linisin ang dagat natin?
kung hindi'y paano ang wasto nating gawin?
upang isda, upos na ito'y di makain
noon, sa aplaya'y nakatitig ang paham
at kanyang nausal habang mata'y malamlam:
"Bulok ang mga taong walang pakialam.
Subalit mas bulok ang walang pakiramdam."
- gregbituinjr.
sanggalaya - (1) pagsasabi ng damdamin o sama ng loob; (2) pagiging laging nakatawa at masaya ang mukha [mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1097]
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Basa-nilay
BASA-NILAY hatinggabi, pusikit ang karimlan kayrami pa ring napagninilayan nais nang magpahinga ng isipan alalahani'y makakatulugan ngun...
-
INGATAN, HUWAG IBAGSAK "Fragile, Handle With Care" ang katumbas nang sa isang kahon ay kalatas paalala, baka babasagin ang nasa k...
-
Ang Martir Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang pagsinta...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento