inihahanda ang sibuyas, diwa'y naglalaro
tangan ang kutsilyong ginayat iyon ng manipis
para sa adobo, sa diwa'y may ilang nabuo
pampaganda ng kutis ba'y sibuyas o kamatis
mapapaluha ka pag naggagayat ng sibuyas
kaya maglagay ng isang basong tubig sa gilid
di ka na luluha pagkat mapupunta ang katas
sa katabing tubig na sa uhaw nito'y papatid
habang naggagayat ay napapatitig sa talim
ng kutsilyong tangan, habang adobo'y hinahanda
may magaganap kaya sa panahong makulimlim
anong dapat gawin kung paparating na ang sigwa
maya-maya, sa likod ng resibo'y magsusulat
ng kinatha sa diwang ang lasa'y mapait-pait
naalala ang sibuyas na nagpaluhang sukat
ngunit sa adobo'y nagpasarap ng anong lupit
- gregbituinjr.
sanggalaya - (1) pagsasabi ng damdamin o sama ng loob; (2) pagiging laging nakatawa at masaya ang mukha [mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1097]
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tambúkaw at Tambulì
TAMBÚKAW AT TAMBULÌ nais kong maging pamagat ng aklat ng aking akdâ ang salitang nabulatlat na kayganda sa makatâ ang "Tambúkaw at Tam...
-
KATÁW sa mga kwento'y mayroong katáw na sa mitolohiya'y nahalaw na kahulugan pala'y sirena subalit di wangwang sa kalsada babae...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
Bakit may hazing? Bakit sa kapwa'y may nananakit? Akala ko, kapatiran iyong may malasakit! Bakit dinulot sa kapatid ay dusa't pasa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento