Linggo, Pebrero 7, 2021

Musika ang lagaslas ng tubig

Musika ang lagaslas ng tubig

musika ang lagaslas ng tubig
kaysarap sa taynga pag narinig
awit ng nimpa'y nauulinig
nimpang nais kulungin sa bisig

ang mga isdang naglalayungan
ay masasayang nagsasayawan
nag-uusap pag napapagmasdan
hinggil sa problema'y kalutasan

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Larga masa

LARGA MASA dapat matibay ang larga masa upang mapanatag ang titira sa tahanang itinayo nila lumindol man, di madidisgrasya ayon sa isang dik...