Huwebes, Hunyo 2, 2022

Streak 100

STREAK 100

aba'y nakaabot na ako
sa Streak One Hundred, totoo
aba'y tingnan mo ang litrato
iyan lang ang katibayan ko

sudoku 'y nilaro sa selpon
aba'y tiyagaan lang iyon
sa isip ko'y malaking hamon
lalo't naumay sa maghapon

naehersisyo na ang utak
mararamdaman mo pa'y galak
diwa'y para lang umiindak
dito'y di ka pa napahamak

di lang unblock puzzle, sudoku
ang talaga kong paborito
laro kung nasaan man ako
basta't tapos na ang trabaho

larong ehersisyo sa diwa
sa panahong pahingang sadya
Streak One Hundred na'y nahita
ito'y malampasan ko kaya?

- gregoriovbituinjr.
06.02.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Saanman pluma'y bitbit - tanaga-baybayin

saanman pluma'y bitbit nitong makatang taring tula ng tula kahit wala sa toreng garing - tanaga-baybayin gbj/01.28.2026