Sabado, Oktubre 7, 2023

Die

DIE

sa Word Connect app, kayraming sadya
ng mga salitang nasagupa
mula sa binigay na salita
ano pang mabubuong kataga

tulad ng DINED, nabuo ko ang DIE
at DIED, sa PRIDE nama'y may RIDE at DIE
sa salitang IDLE, may LIE at DIE
tatatlong letra sa pagkamatay

ito kaya'y isang pahiwatig?
upang mag-ingat, huwag palupig
nais kong isipi't isatinig
na di namamatay ang pag-ibig

umabot sanang pitumpu't pito
o kaya'y edad na otso-otso
kung di man abutin ng sangsiglo
ay may tulang abot pitong libo

- gregoriovbituinjr.
10.07.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tulâ 2 - Sa 5th Black Friday Protest ng 2026

TULÂ 2: SA 5TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 tungkulin ko nang ganap na niyakap ang pinag-usapang  Black Friday Protest na kaisa ang kapwa ma...