Lunes, Marso 11, 2024

Tarang magkape

TARANG MAGKAPE

tarang magkape ngayong gabi
sa isang katoto ay sabi
habang narito't nawiwili
sa mga kwentong namumuni

magpalitan ng kuro-kuro
katulad nitong ChaCha't sweldo
kumusta ang mga obrero
na kontraktwal pa rin ang isyu

tarang magkape at mag-usap
ng lipunang pinapangarap
paano ginhawa'y malasap
ng kapwa natin mahihirap

tarang magkape, kaibigan
habang tayo'y nagkukwentuhan
ng nasa diwa't kalooban
at sa problema'y kalutasan

- gregoriovbituinjr.
03.11.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tulâ 1 - Sa 5th Black Friday Protest ng 2026

TULÂ 1: SA 5TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 dapat patuloy ang mga  Black Friday Protest dahil ang masa'y patuloy na nagagalit dahil trap...