TUMANOG
nagisnan muli'y bagong salita
sa palaisipang inihandog
nabatid nang sinagutang sadya
iyang duwende pala'y tumanog
duwende'y tila wikang Kastila
at tumanog ay wikang Tagalog
sadyang mayaman ang ating wika
pag kinain ay nakabubusog
sa krosword maraming natatampok
na katagang animo'y kaylalim
na dapat namang ating maarok
at tila rosas na sinisimsim
sariling wika'y ating gamitin
sa mga kwento, tula't sanaysay
katha ng katha ng katha pa rin
hanggang mga akda'y mapaghusay
- gregoriovbituinjr.
05.12.2025
* palaisipan mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Mayo 12, 2025, p. 11
sanggalaya - (1) pagsasabi ng damdamin o sama ng loob; (2) pagiging laging nakatawa at masaya ang mukha [mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1097]
Lunes, Mayo 12, 2025
Tumanog
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
May sariling daigdig - tanaga-baybayin
may sariling daigdig itong makatang gising tula ng tula kahit wala sa toreng garing -tanaga-baybayin gbj/01.28.2026
-
KATÁW sa mga kwento'y mayroong katáw na sa mitolohiya'y nahalaw na kahulugan pala'y sirena subalit di wangwang sa kalsada babae...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
SPIRITS OF THE DEAD by Edgar Allan Poe MGA ESPIRITU NG PATAY ni Edgar Allan Poe Malayang Salin ni Gregorio V. Bituin Jr. I Thy s...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento