Huwebes, Hulyo 10, 2025

Walang kapararakang lakad

WALANG KAPARARAKANG LAKAD

walang kapararakang lakad
animo'y may ginagalugad
nagsisikap naman, di tamad
pagkakayod nga'y sinasagad

kilo-kilometrong lakarin
naninilay ay laksa pa rin
ang inaadhika'y tutupdin
gagawin ang bawat mithiin

ang lakad ba'y saan patungo
di naman nanggaling sa buho
nararamdaman ma'y siphayo
ay mararating din ang pulo

palayo ng palayong hakbang
palayo sa lupang hinirang
patungo sa lupang tiwangwang
na aking nais na malinang

- gregoriovbituinjr.
07.10.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang pinili kong landas

ANG PINILI KONG LANDAS (Sa ika-110 taon ng tulang "The Road Not Taken" ng makatang Scot na si Robert Burns) oo, pinili ko'y la...