Lunes, Oktubre 20, 2025

Bawang juice at salabat

BAWANG JUICE AT SALABAT

pagkagising sa madaling araw
ay nagbawang juice na't nagsalabat
habang nararamdaman ang ginaw
at sikmura'y tila inaalat

pampalakas ng katawan, sabi
sa dugo'y pampababa ng presyon
pinalalakas ang immunity
para rin sa detoksipikasyon

para talaga sa kalusugan
at panlaban din sa laksang pagod
nakatutulong maprotektahan
sa ubo't sipon, nakalulugod

upang sakit nati'y di lumalâ
upang katawan nati'y gumanda
ang anumang labis ay masamâ
kaya huwag uminom ng sobra

- gregoriovbituinjr.
10.20.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pang-apatnapu't siyam na sa mundo si Alex Eala!

PANG-49 NA SA MUNDO SI ALEX EALA! kaytaas na ng ranggo ni  Alex Eala siya sa mundo'y pang-apatnapu't siyam na dapat ipagbunyi ang ka...