Huwebes, Enero 22, 2026

Ikalima, hindi ika-lima

IKALIMA, HINDI IKA-LIMA

salitang ugat o pangngalan, di numero
kayâ bakit may gitling ang panlaping "ika"
di ba't kayâ panlapi, kinakabit ito
sa salitâ, arâlin n'yo ang balarila

maraming nalilito, may maling pagtingin
sa paglagay ng gitling sa mga salitâ
ikalima, di ika-lima; walang gitling
ika-5, di ika5 yaong diwà

nilalagyan ng gitling matapos ang "ika"
sapagkat numero na ang kasunod niyon
kayâ madali lang maunawâ talaga
pagkakamali'y di na sana ulitin pa

sana sa eskwelahan, maituro muli
lalo sa mga estudyante't manunulat
huwag nang ulitin yaong pagkakamali
at sa wastong gamit ng gitling na'y mamulat

- gregoriovbituinjr.
01.22.2026

* litrato mula sa krosword ng pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 22, 2026, p.10

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ikalima, hindi ika-lima

IKALIMA, HINDI IKA-LIMA salitang ugat o pangngalan, di numero kayâ bakit may gitling ang panlaping "ika" di ba't kayâ panlapi,...