Huwebes, Enero 8, 2026

Kape at pandesal

KAPE AT PANDESAL

tarang magkape at pandesal sa umaga
habang patuloy ang buhay na may pag-asa
na nangangarap ng panlipunang hustisya
para sa bayan, uring paggawa, at masa

dapat may laman ang tiyan bago magkape
upang katawan ay maganda ang responde
kainin ang sampung pandesal na binili
habang inaatupag ang katha't sarili

buting nakapag-almusal bago pumasok
sa trabaho, sa pagsulat man nakatutok
manuligsa ng kurakot at trapong bugok
at kumilos din laban sa sistemang bulok

kayraming paksa't isyung nakatitigagal
ay, tara na munang magkape't magpandesal
upang busóg sa pagkilos, di nangangatal
upang sa anumang laban ay makatagal

- gregoriovbituinjr.
01.08.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa 2nd Black Friday Protest 2026

SA 2ND BLACK FRIDAY PROTEST 2026 di mapapawi ang galit ng sambayanan laban sa mga nangungurakot sa kaban ng bayan, buwis na dinambong ng iil...